MANILA, Philippines — Inilabas ng ng HKPH Public Opinion and Research Center, sa pakikipagtulungan sa Hong Kong-based Asia Research Center (ARC), ang detalyadong pagsusuri ng performance ng mga lokal na punong ehekutibo sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Steven Su, survey director, ang survey na ginawa mula Hunyo 10-18, 2024, ay sumuri sa performance ng mga alkalde sa iba’t ibang metrics, kabilang ang kahusayan sa pamamahala, paghahatid ng serbisyong pampubliko, pagiging bukas at transparency, at kasiyahan ng mga mamamayan.
Nanguna sa listahan sina Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon City, Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Eric Olivarez ng Parañaque City, at Mayor John Rey Tiangco ng Navotas City, na may job performance ratings na 88.9%, 88.6%, 88.4%, at 88.2%, ayon sa pagkakasunod. Lahat ng apat na Mayor ay nakakuha ng top-tier scores at nagbahagi ng unang ranggo dahil sa statistical tie.
Nasa ika-2 puwesto si Mayor Along Malapitan ng Caloocan City, 86.8%; habang si Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela City ay pumangatlo, 85.6%.
Nasa ikaapat sina Mayor Vico Sotto ng Pasig City at Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City na may 83.1% at 82.5%, ayon sa pagkakasunod.
Ika-5 si Mayor Abby Binay ng Makati City, 81.2%; Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay sa ikaanim, 78.8%.
Nasa ika-7 si Mayor Honey Lacuna ng Maynila, 76.5%; Mayor Ben Abalos Sr. ng Mandaluyong City ikawalo, 75.35%; Mayor Lani Cayetano ng Taguig City ikasiyam, 73.7%, at Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City sa ika-10, 72.1%.
Sina Mayor Ike Ponce III ng Pateros at Imelda Aguilar ng Las Piñas City ay kapwa nasa ika-11 na may 70.4% at 70.2%, ayon sa pagkakasunod. Nasa huli sa listahan si Mayor Francis Zamora ng San Juan City na may 68.6%.