2 LPA nagbabantang maging bagyo
MANILA, Philippines — Nagbabantang maging ganap na bagyo ang dalawang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Namataan ang unang LPA sa 225 kilometro kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro o sa may bahagi ng West Philippine Sea.
Maaring maging bagyo ang naturang LPA habang papalayo sa Philippine landmass.
Namataan naman ang ikalawang LPA sa 840 km silangan ng Eastern Visayas at maaaring maging bagyo habang kumikilos sa hilagang-kanluran sa Philippine Sea.
Hindi naman nakikita ng PAGASA na magla-landfall sakaling maging bagyo ang dalawang LPA.
Oras na maging bagyo, ito ay tatawaging Carina at Dindo, ang pang-3 at 4 na bagyo na papasok sa bansa makaraan ang bagyong Aghon at Butchoy.
- Latest