Total ban ng ‘Mukbang’ di irerekomenda ng DOH
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi tuluyang ban ang isinusulong nila kundi ang regulasyon lamang.
Sinabi ni DOH spokesman Albert Domingo, Tagapagsalita ng DOH, bukas ang kagawaran na makipag-ugnayan sa mga gumagawa ng content tungkol sa pagkain o ang tinawag na “Mukbangers”.
Sinabi niya na si Health Secretary Teodoro Herbosa ang nagsabi na nais niyang idaan sa konsultasyon sa mga gumagawa ng “Mukbang” para magabayan.
Binigyang-diin pa rin ni Domingo na delikado ang over-eating o labis na pagkain maging healthy foods pa, o kahit konti lang subalit may masamang epekto sa kalusugan.
Paliwanag niya, kahit konti pa ang kakainin subalit fatty foods, maaalat o matatamis naman ay hindi pa rin rekomendado sa kalusugan.
Una nang nagpaalala si Herbosa na peligroso ang pagkain ng sobra-sobra gaya ng nakikita sa “mukbang vlogs” na magiging sanhi ng obesity at maaring mauwi sa hypertension, heart conditions, at iba pang non-communicable disease at atake sa puso.
Isa ang kaso ng 37-anyos na taga-Iligan, na nasawi sa stroke pagkatapos kumain ng maraming pritong manok sa kaniyang nilikhang content.
- Latest