Bong Go: Ipaglaban ang kapakanan, karapatan ng HWs

MANILA, Philippines — Personal na nakiisa si Senator Christopher “Bong” Go sa 10th Anniversary celebration ng Ugnayang Nagkakaisang Manggagawa (UNM), sa pangunguna ni President Donell John Siazon, sa University of Santo Tomas (UST) Hospital sa Lungsod ng Manila City na dinaluhan ng tinatayang 400 healthcare professionals, mga bisita at pinuno ng iba-ibang unyon ng mga manggagawang pangkalusugan.

“Nais ko kayong pasalamatan at bigyang-pugay sa inyong walang-sawang paglilingkod at pag-alaga sa mga pasyenteng Pilipino,” anang senador na tinaguriang Mr. Malasakit.

Espesyal din ang okasyon para sa senador dahil ang kanyang anak na babae ay kasalukuyang trainee sa Clinical Pathology Department ng UST Hospital.

Binigyang-diin ni Go na patuloy siyang nagsisikap na palakasin ang sektor ng kalusugan sa Pilipinas at isulong ang kapakanan ng healthcare workers.

Inihain niya ang Senate Bill No. 427, na kilala bilang Barangay Health Workers Compensation Act, na layong bigyan ng mas magandang kompensasyon at benepisyo ang barangay health workers sa buong bansa.

Sa kanyang pagbisita, nagbigay si Go ng mga gift pack at iba pang mga token sa mga health worker na naroroon.

Show comments