^

Bansa

Kapwa akusado ni Quiboloy nadakma sa Davao

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kapwa akusado ni Quiboloy nadakma sa Davao
prinisinta sa media nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. at PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil si Paulene Canada, isa sa kapwa akusado ni Pastor Apollo Qui- boloy, sa ginanap na press conference kahapon sa Camp Crame, Quezon City. Naaresto si Canada sa Davao City.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest ang isa sa kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa kasong Qualified Human Trafficking at Child Sexual Abuse kamakalawa ng hapon sa  Davao City.

Kahapon ay iprinisinta ni Interior and Local Govern­ment Secretary Benhur Abalos si Paulene Canada na naaresto sa kanyang bahay sa Buha­ngin District, Davao dakong ala-1 ng  hapon.

Si Canada ay sinasabing ika-6 Most Wanted Person sa Davao Region at may patong na ?1 million na pabuya para sa kaniyang ikaaaresto.

Ani Abalos, nakatulong ang P1 milyong pabuya sa pagkakaaresto ni Canada.

Lumilitaw na isang tip ang natanggap ng pulisya na nakita ang isang babaeng kamukha ng poster ni Canada na inilabas ng mga awtoridad kama­kailan.

Ayon kay Abalos, ang naturang tip ng anonymous caller ang nakatulong upang matunton at mahuli si Canada sa isang bahay halos dalawang kilometro ang layo mula sa regional police headquarters.

Bukod kay Canada, kapwa-akusado rin sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Sylvia Cemañes, at Jackielyn Roy.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad, pati na rin ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Quiboloy.

Tiniyak naman ng kalihim na magiging patas ang hustisya at mas makabubuti kung susuko nalang si Quiboloy at ang iba pang kapwa-akusado nito.

CANADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with