76% Pinoy, dismayado sa pagkontrol ng gobyerno sa inflation
MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Pinoy ang dismayado sa naging tugon ng pamahalaan sa inflation.
Batay sa resulta na bagong survey ng Pulse Asia Research noong Hunyo na inilabas kahapon, nabatid na nasa 76% ng mga Pinoy ang dismayado sa tugon ng pamahalaan sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay limang porsiyentong pagtaas mula sa kahalintulad na survey noong Marso at 39 porsiyentong increase naman noong Hunyo 2023.
Ayon pa sa survey, itinuturing din ng publiko ang inflation bilang “most pressing concern”, na nasa 72%.
Sinundan ito nang pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa (44%); kahirapan (32%), paglikha ng maraming trabaho (30%); at paglaban sa graft and corruption. (22%).
Ang survey ay ginawa mula Hunyo 17-24, 2024, gamit ang face-to-face interviews sa 2,400 adults na edad 18-taong gulang pataas.
- Latest