Pangulong Marcos vineto PNP Reform Bill

MANILA, Philippines — Hindi nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapatupad ng reorganizational reforms sa Philippine National Police (PNP).

Sa veto message ng Pangulo, sinabi niya na hindi niya maaprubahan ang Senate Bill No. 2449/House Bill No. 8327 o An Act Providing For Organizational Reforms In The Philippine National Police.

Paliwanag niya, ito ay dahil ang panukalang salary grade 21 sa mga Philippine National Police Academy (PNPA) Cadets ay mas mataas sa entry level ng mga sundalo.

Idinagdag pa ni Pangulong Marcos, na hindi akma ang panukalang batas sa National Government Rightsizing Program.

Magiging redundant o doble aniya ang functions ng PNP dahil sa ilalim ng panukalang batas, nais nitong gawing institutionalize ang Directorial Staffs, Area Police Commands (APCs), Special Offices,and Support Units na magkakapare-pareho rin lang naman ang trabaho.

Nagpahayag naman ng pangamba ang Pangulo na magbubunga lamang ito ng bureaucratic inefficiencies dahil lolobo lamang ang mga posisyon at dadami pa ang staff.

 

Show comments