Senior Citizens Commission chair pinatawan ng 90 days suspension

MANILA, Philippines — Pinatawan ng 90 araw na preventive suspension ng Office of the President (OP) si National Commission of Senior Citizens chairman Atty. Franklin Quijano.

Ang hakbang ng OP ay bilang pagbibigay daan ang imbestigasyon tungkol sa reklamong gross neglect of duty at grave misconduct laban sa kanya ni Jose Francisco Tapia.

Sa inilabas na kautusan ng Office of the Executive Secretary, layon ng suspensyon na maiwasang maipluwesyahan ni Quijano ang ginagawang imbestigasyon laban sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Bukod dito, para maiwasan na rin ang aniya ay pangdodoktor ng mga ebidensya kaya kailangan ang preventive suspension habang nakabinbin pa ang imbestigasyon.

Ang preventive suspension ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Hulyo 9,2024.

Show comments