^

Bansa

Tulong sa seniors pinasalamatan sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Taos-pusong pinasalamatan ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong’ Ordanes si House Speaker Martin Romualdez sa patuloy na pagmamalasakit sa mga nakakatandang populasyon ng bansa, gayundin sa mga Filipino na may kapansanan.

Kasabay nito, ikinalugod ni Ordanes ang resulta ng PUBLiCUS Asia Inc.’s PAHAYAG Second Quarter (PQ2-2024) survey kung saan lumabas na siyam sa bawat 10 Filipino ang pabor sa pagbibigay ng universal pension sa senior citizens sa bansa.

Si Ordanes ang isa sa mga pangunahing may-akda ng panukalang-batas, na naipadala na sa Senado upang maging ganap ng batas.

Paliwanag ng mambabatas, layon ng panukala na magkaroon ng buwanang pensyon ang lahat ng Filipino na nasa edad 60 pataas anuman ang estado ng kanilang buhay.

“Nagpapasalamat ako kay Speaker Romualdez at sa mga kapwa ko mambabatas na patuloy na isinusulong ang kapakanan ng ating mga mahal na senior citizens. Ito naman ay mun­ting pagkilala lang natin sa kanilang kahalagahan sa ating lipunan,” sabi pa ni Ordanes.

Umaasa naman si Ordanes na makakalusot sa Senado ang nasabing panukala bago matapos ang taon upang maging batas pagpasok ng 2025.

Hiling din ni Ordanes na maipasa na sa Senado ang panukalang early voting para sa senior citizens at PWDs, maging ang House Bill 8461 na ang layon naman na mapalakas ang national health program para sa senior citizens.

SENIORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with