MANILA, Philippines — Nag-alok si DILG Secretary Benhur Abalos ng P10 milyong pabuya sa sinumang makakapagturo at magiging daan ng paghuli sa fugitive televangelist na si Apollo Quiboloy.
Magkakaloob din si Abalos ng tig-P1 milyong reward sa makakapagturo sa kinaroroonan ng bawat tauhan ni Quiboloy na sina Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes at Jackiely Roy.
“Meron tayong mga kaibigan na gusto tumulong sa paghahanap sa kanila at nag-offer na reward na P10 million for any information leading to the arrest of Pastor Quiboloy and P1 million each for others,” sabi ni Abalos.
Una nang nagpalabas ang Davao Regional Trial Court noong April 3 nang pag-aresto kay Quiboloy at kanyang subordinates kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 7610, o Anti-Child Abuse Law o isang probisyon ng sexual abuse sa mga minors at maltreatment.
Noong April 11, nagpalabas din ang Pasig City court ng warrant of arrest laban kay Quiboloy dahil sa kasong qualified human trafficking na isang kasong walang piyansa.