44% Pinoy tiwalang gaganda buhay sa sunod na 12 buwan
MANILA, Philippines — Naniniwala ang may 44% Pinoy na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 na buwan.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong Marso 21-25, 2024, 44% din ang nagsabi na mananatili ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan habang 7% ang nagsabi na lalala pa ang kanilang kalagayan.
Nasa 6% naman ang hindi tumugon sa survey.
Nagresulta ito ng net personal optimism score ng +37 (% optimists minus % pessimists) na itinuturing ng SWS na “very high”.
Ang +37 net personal optimism score ng Pinoy ay two-point decline mula sa +39 noong Disyembre 2023.
Bumaba ang net personal optimism sa Metro Manila (+42 from +47) at Visayas (+24 from +27).
- Latest