Depensa ng Pinas at Japan paiigtingin

MANILA, Philippines — Nilagdaan na kahapon ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) na naglalayong pataasin pa ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa South China Sea.

Ginawa ang kasunduan matapos mag-courtesy call si Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko at Defense Minister Kihara Minoru kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng kasunduan, papayagan ang Japanese forces na sumali sa taunang military exercises ng Pilipinas at Estados Unidos kabilang dito ang “Balikatan” exercises.

Papayagan din ang Japanese forces na magbigay ng humanitarian assistance sa Pilipinas kapag kinakailangan lalo na tuwing may sakuna at kalamidad.

Kailangan naman na ratipikahan muna ng Senado ng Pilipinas at National Legislature ng Japan ang kasunduan bago ito maging epektibo.

Kabilang ang Japan sa hayagang nagpapahayag ng pagkaalarma sa tensyon sa South China Sea.

Show comments