Dagdag na pulis sa SONA posible kung may banta – PNP
MANILA, Philippines — Posibleng dagdagan ang puwersa ng pulis na itatalaga sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Hulyo 22.
Sa panayam kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil, sinabi nito na nasa 22,000 ang regular na bilang na kanilang idedeploy na pulis tuwing SONA.
Subalit kung may banta, sinabi ni Marbil na may nakaantabay na silang bilang upang masiguro na matutugunan ang dadalo sa SONA gayundin ang mga magsasagawa ng protesta.
Sa ngayon aniya, wala pa naman silang natatanggap o nakikitang banta sa nalalapit na SONA.
Ayon kay Marbil, pinapayagan naman nila ang protesta kung ito ay may permit at hindi makakaabala sa daloy ng trapiko.
Maraming commuter ang umaangal sa masikip na daloy ng trapiko tuwing SONA.
Dapat pa ring pairalin ng mga pulis ang maximum tolerance.
Umaasa rin si Marbil na magiging sibil ang mga protester at iwasang mang-urot upang maiwasan ang girian.
- Latest