Kapatid ni Alice Guo, Chinese national - NBI

Senator Win Gatchalian revealed Wednesday that Wesley Leal Guo, brother of suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, is actually Chinese national Guo Xiang Dian based on the fingerprint matching of the National Bureau of Investigation (NBI).
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang Chinese national ang kapatid ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon sa NBI, ito ay dahil pareho ang fingerprints ng kapatid ni Alice Guo na si Wesley Guo sa Chinese national na si Guo Xiang Dan, gayundin ang kopya ng Philippine passport ni Wesley Guo at ang Chinese passport ni Guo Xiang Dan.

Sinasabing match ang fingerprints ng dalawa gamit ang record mula sa Board of Investments (BOI) at NBI biometrics record.

Sa rekord, dumating sa Pilipinas si Guo Xiang Dan noong 1999 at inilistang dependent son ni Lin Wen Yi, o ang nakarehistro ring ina ni Mayor Alice (Guo Hua Ping).

Mayroon din umanong hawak na Chinese passport si Guo Xiang Dan na mag-e-expire sa 2025 at salitan niyang ginagamit ang kanyang Philippine at Chinese passport mula 2003.

Show comments