1 pang ‘Alice Guo’ fingerprint binubusisi ng NBI

This photo shows Bamban Mayor Alice Guo and the passport of a certain "Guo Hua Ping," both of whom Sen. Risa Hontiveros said shares the same fingerprint, based on the National Bureau of Investigation's analysis.
Sen. Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — Binubusisi ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nadiskubreng ikatlong Alice Guo na kumuha ng NBI clearance noong 2005 sa branch ng ahensiya sa Quezon City.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, sumasailalim ngayon sa pagsusuri ng ahensiya ang fingerprint ng ikatlong Alice Guo.

Sinabi ni Santiago na sa pagbusisi sa address na nakasulat sa aplikasyon ng clearance ng ikatlong Alice Guo ay hindi naman nag-e-exist.

“I have a third fingerprint na anytime within the day, lalabas ang resulta,” sabi ni Santiago.

Anya, ang address ng aplikante ay nakarehistro sa Quezon City pero wala naman anyang napatunayan na Alice Guo na naninirahan sa lungsod.

Wala namang iba pang detalye sa identity ng nadiskubreng ikatlong Alice Guo.

Una nito, sinabi ng NBI na si Bamban Mayor Alice Guo at Chinese national Guo Hua Ping ay nag-match ang fingerprint.

Show comments