^

Bansa

Ekonomiya ng Pinas mas lumakas – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ekonomiya ng Pinas mas lumakas � Pangulong Marcos
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. leads the distribution of presidential assistance to farmers, fisherfolk, and families at Barangay Tubig-Mampallam in Municipality of Bongao, Tawi-Tawi on May 23, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagpahayag na paniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malakas na ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa ginawang multi-billion fleet expansion ng kumpanyang Cebu Pacific.

Sa courtesy call sa Malakanyang ng mga opisyal ng CebuPac, sinabi ni Pangulong Marcos na isang malaking hakbang ang ginawa ng kompanya.

Mahigit 100 eroplano mula sa kompanyang Airbus na nagkakahalaga ng $24 bilyon ang bibilhin ng CebuPac.

Itinuturing naman itong pinakamalaking aircraft order sa Philippine aviation history.

“It gives us great deal of encouragement that if we get it right, we can actually get something done and make the transformation of our economy. Make it happen,” pahayag pa ng Pangulo.

Sinabi naman ng Chief Executive Officer ng CebuPac na si Michael Szucs, na ang plano nila ay indikasyon ng pagtitiwala nila sa takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Marcos administration.

Paraan din aniya nila ito upang ipakita ang suporta sa gobyerno na gawing competitive ang aviation industry ng bansa.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with