MANILA, Philippines — Upang mailapit ang mahahalagang serbisyo publiko sa mamamayang Pilipino, personal na tinulungan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga mahihirap na residente at sinaksihan ang turnover ng Super Health Center sa Digos City, Davao del Sur.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng patuloy na suporta ng gobyerno para sa mga Pilipino, partikular sa pinakamahihirap na miyembro ng lipunan.
Idinaos sa City Gymnasium, 2,000 benepisyaryo ang tumanggap ng iba’t ibang uri ng tulong mula kay Go at sa kanyang Malasakit Team, tulad ng mga grocery packs, meryenda, bitamina, mask, kamiseta, bag, basketball, at volleyballs. May mga piling nakatanggap ng bisikleta, relo, cell phone, at sapatos.
Sa inisyatiba ni Senator Go, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Josef Cagas, nakatanggap ng suportang pinansyal mula sa gobyerno ang mga naghihirap na residente.
Pinasalamatan naman ni Mayor Cagas ang senador sa pagbisita nito at patuloy na pagseserbisyo sa publiko.
“Senator Bong, sampu ng mga taga Digos City, maraming salamat (maraming salamat) sa napakaraming tulong na naibigay ninyo sa amin. Hindi niyo po kami tinalikuran sa ano mang hamon na pinagdaanan ng Digos City.”
Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, binigyang-diin ni Go ang kanyang inisyatiba upang maibigay sa lahat ang mga serbisyong pangkalusugan ng gobyerno kasabay ng personal na pagdalo sa turnover ng Super Health Center sa Brgy. Zone, Digos City.