^

Bansa

First Lady Liza namahagi ng 83 mobile clinics

Pilipino Star Ngayon
First Lady Liza namahagi ng 83 mobile clinics
Ang distribusyon ng mga mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng DOH, sa pakikipagtuwang na rin sa DILG, PCSO at Act Agri-Kaagapay Organization.
Liza Marcos/Facebook page/RTVM

MANILA, Philippines — Nangako si First Lady Liza Araneta-Marcos na higit pang ilalapit ang health care system sa mga mamamayan, sa pamamagitan nang pagkakaloob ng 83 bago at modernong mobile clinics sa pitong lalawigan sa Central Luzon, partikular na sa mga remote areas.

Ang distribusyon ng mga mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng DOH, sa pakikipagtuwang na rin sa DILG, PCSO at Act Agri-Kaagapay Organization.

Ang inisyatiba ay nasa ilalim ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” or LAB program, na isang healthcare project na pinasimulan ng supportive at compassionate na maybahay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. at inilunsad kamakailan sa Maynila.

Ang mga newly donated mobile clinic ay mayroong examination, laboratory, at x-ray facilities, gayundin ng medical essentials gaya ng patient bed, infrared thermometer, patient monitor, at mga medical equipment, kabilang na ang electrocardiogram, ultrasound, cholesterol monitoring, glucose testing, at blood hematology tools.

Binigyang-diin ng Unang Ginang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng accessible healthcare para sa mga Pinoy. Alinsunod sa bisyon na ito, ang mga mobile clinics ay may mahalagang papel sa pagkakaloob ng preventive health services direkta sa mga komunidad.

Sinabi naman ni Act Agri-Kaagapay founder President at Author ng librong Leave No Body Hungry na si Virginia Ledesma Rodriguez na ang inisyatiba ay alinsunod sa commitment ni Pang. Marcos Jr. na magkaloob ng mahahalagang serbisyo at gabayan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Ang mga klinika ay magpapasilidad ng regular na health screening upang matukoy ng maaga ang karamdaman ng pasyente, para sa agarang interbensiyon dito, na magpapahusay sa kalidad ng buhay ng mga Pinoy.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with