^

Bansa

DOJ: Teves ‘di makakatakas kahit gumamit pa ng ibang passport

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na hindi makakatakas si dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr. sa Timor-Leste kahit pa gumamit ito ng ibang pasaporte.

Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, tiyak na nakatimbre na si Teves sa lahat ng border authorities at mahigpit ang monitoring laban sa kanya, kaya’t kahit magkaroon pa ito ng bagong pasaporte ay hindi pa rin ito makakalabas ng Timor-Leste.

“He is being closely monitored 24 hours at we are sure na nakaabiso na sa lahat ng border authorities – land, sea, and air na hindi paalisin si Ginoong Teves. Kahit na mayroon silang ibang passport, hindi siya puwedeng paalisin sa Timor Leste,” sabi pa ng DOJ official.

Una nang kinansela ng pamahalaan ang ­Philippine passport ni Teves kaya’t ito ay itinuturing nang isang undocumented alien. Inaasahan naman ng DOJ na sa katapusan ng Hulyo ay mapauwi na ito sa Pilipinas.

Samantala, siniguro rin naman ni Clavano na inaalam na nila kung sinu-sino ang kumukupkop kay Teves sa Timor Leste upang mapanagot rin sa batas ang mga ito. Si Teves ay matatandaang itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pa.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with