MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ni National Bureau of Investigation (NBI) chief Jaime Santiago na sa tulong ng dactyloscopy, isang infallible science ng fingerprint identification, kaya natukoy na si Alice Guo at Guo Hua Ping ay iisa lamang.
“Dactyloscopy is an infallible science of identification. It does not make mistakes, as no two people, not even twins, have the same fingerprints,”sabi ni Santiago
Binigyang diin ni Santiago na ang comparative analysis ng NBI ay kapapalooban ng fingerprints mula sa dalawang magkaibang taon, mula sa 2006 alien certification of registration ni Guo Hua Ping at sa 2021 NBI clearance na nakapangalan kay Alice Guo.
“We compared the fingerprints from 2006 and 2021.In the NBI, we don’t rely solely on pictures since photos can be altered. We compared the fingerprints of Hua Ping. We cannot determine if the other Alice Leal Guo with a different picture is a real person or not because the Senate only requested a fingerprint comparison,” paliwanag ni Santiago.
SInabi pa ni Santiago na ang buong pamilya ni Mayor Guo ay may nakatalang record sa NBI pero hindi pa dito nakasentro ang pagbusisi ng NBI sa ngayon.
Una nang lumitaw sa pagdinig sa Senado na si Alice Gou at Gou Hua Ping ay iisang tao lamang batay sa kanilang fingerprint.