Alice Guo magiging ‘ulila’

MANILA, Philippines —Naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na magiging ‘ulila’  na si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos nitong i-renounce ang kanyang pagiging Chinese citizen kasabay ng pagkawala ng  kanyang mga ari-arian.

Paliwanag ni PAOCC spokesman Winston John Casio, ito’y matapos na lumabas sa examination ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang fingerprints ni Guo ay pareho ng fingerprints ng nagngalang Guo Hua Ping.

Indikasyon din ito na hindi Filipino citizen si Guo. Wala ring kasiguraduhan na tatangapin din ng China si Guo. Wala na anyang mapupuntahan si Guo.

“Tatanggapin pa ba siya ng China kasi ginive-up niya ‘yung Chinese passport, Chinese nationality,” ani Casio.

Dagdag pa ni Casio, posible ring mawala ang lahat ng mga ari-arian ni Guo sa Pilipinas kabilang ang 7.6-hectare Baofu compound kung saan nakatayo ang niraid na Zun Yuan Technology Inc., na isang illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hub.

Maging ang kanyang mga transaksiyon bilang alkalde ay sinisiyasat na rin.

Show comments