^

Bansa

Marcos sa pagtakbo ng 3 Duterte sa Senado: ‘It’s a free country’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos sa pagtakbo ng 3 Duterte sa Senado: �It�s a free country�
Rodrigo Duterte takes his oath as he is sworn in as the 16th President of the Philippines on June 30, 2016
Presidential Communications Operations Office

MANILA, Philippines — Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang plano ng mag-aamang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao Congressman Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Sa ambush interview sa Maynila, inihayag ng Pangulo na isang malayang bansa ang Pilipinas at maaari namang gawin ng mga Duterte kung ano ang gusto nila.

“It’s a free country. They’re allowed to do whatever they want. I really have no reaction to it besides, it’s still early,” ani Marcos.

Sa tanong kaugnay sa posibleng pagtakbong pangulo ng bansa ni Mayor Baste sa 2028, sinabi ni Marcos na marami pang puwedeng mangyari hanggang 2028 at magiging malinaw lamang ang totoong sitwasyon sa paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre.

“We’re talking about 2028, dami pa pangyayari between now and 2028. And the only real situation will become clear sa October, sa filing,” ani Marcos.

Magkakaalaman aniya sa Oktubre kung sino-sino talaga ang tatakbo at ang mga mabubuong grupo.

Matatandaan na inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbong senador sa susunod na eleksyon ang kanyang ama at mga kapatid na sina Paolo at Baste.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with