^

Bansa

Pinas naghain ng diplomatic protest vs China

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas naghain ng diplomatic protest vs China
Ang pagpapadala ng note verbale ay kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa isang international media conference kung saan pinag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.
DFA FB Page

MANILA, Philippines — Nagpadala na ang Pilipinas ng note verbale o diplomatic protest sa China dahil sa pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal sa pagitan ng militar ng Pilipinas at China Coast Guard (CCG) noong Hulyo 17.

Ang pagpapadala ng note verbale ay kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa isang international media conference kung saan pinag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Manalo, nakausap na niya si Chinese Ambassador Huang Xilian hinggil sa insidente pero tumanggi itong magbigay ng detalye sa mga napag-usapan.

Una nang sinabi ni DFA Undersecretary Maria Theresa Lazaro sa Pulong Balitaan sa Malacañang na pinag-iisipan ng Pilipinas na ipatawag si Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay ng insidente kung saan naputol ang daliri ng isang marino ng Philippine Navy.

Kamakalawa ay iniha­yag ni Manalo sa pagdinig sa Senado na nakatakda silang makipagpulong sa kanilang counterpart sa Hulyo para talakayin ang insidente sa Ayungin Shoal.

Sinabi pa ni Manalo na labag sa napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ang naturang insidente.

Dapat din aniyang pangasiwaan ng maayos ang anumang “maritime difference” ng dalawang bansa.

Nanindigan si Manalo na dapat idaan sa pag-uusap ang nangyayaring tensiyon sa West Philippine Sea.

vuukle comment

CHINA COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with