^

Bansa

Romualdez: Dagdag financial assistance sa dialysis patients, aprub ng PhilHealth

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng PhilHealth board, sa pangu­nguna ni Health Sec. Ted Herbosa, ang request ni House Speaker Martin Romualdez na dagdagan ang financial assistance ng PhilHealth para sa pagpapa-dialysis ng mga diabetic patients sa buong bansa.

Ayon kay Sec. Herbosa, mula sa P2,600 per session, tataasan na hanggang P4,000 ang sasagutin ng PhilHealth para mapasama na ang iniksyon at iba pang gamot na maaring hiwalay na i-claim ng pasyente.

“This was the request of Speaker Romualdez, base na rin sa pahayag ng pangulo noong nakaraan niyang SONA na gawin ng totally free ang hemodialysis treatment,” ayon kay Herbosa, na chairman din ng PhilHealth.

Lubos naman ang pasasalamat ni Speaker sa mabilis na pagtugon ng PhilHealth sa kanyang hiling.

Ani Speaker Romualdez, “sobrang salamat PhilHealth kasi we proposed it to them just last month at heto may resulta na agad”.

Base sa tala ng Department of Health (DOH) may 4.5 milyong Pilipino ang diabetic at higit isang milyon ang nagpapa-dialysis.

“Malaking tulong talaga ito dahil pati gamot o iniksyon na laging problema ng mga pasyente, finally sasagutin na rin ng PhilHealth,” sabi ni Romualdez.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with