^

Bansa

Biglaang gastos sa buhay commute? Kayang bumale sa GCash Sakto Loans

Pilipino Star Ngayon
Biglaang gastos sa buhay commute? Kayang bumale sa GCash Sakto Loans
Ang GCash Sakto Loans ay isa sa mga produkto ng GCash kung saan maaari kang bumale ng mabilisan mula P100 hanggang P500.

MANILA, Philippines — Kung isa ka sa milyun-milyong Pilipino na araw-araw na nagco-commute papuntang trabaho, eskwela o saan pa man, tiyak pamilyar ka na sa napakaraming kailangang pagdaanan makarating lang sa paroroonan.

Maliban sa mismong paghanap ng masasakyan, dagdag-abala pa ang maraming bagay na maaaring mangyari bago ka pa umabot sa iyong destinasyon. Magaling ka mang dumiskarteng magbudget ng pamasahe, hindi maiiwasang makaharap pa rin ng mga gastusing hindi inaasahan, kahit maliliit lamang ito.

Sa mga biglaang gastusing kailangang agad na tugunan, hindi mo na kailangan mang-abala ng iba makahiram lang ng pera o mangamba kung saan kukuha ng extra budget. Sa GCash Sakto Loans, kaya mo nang bumale ng pera sa mas madali at mas mabilis na paraan.

Ang GCash Sakto Loans ay isa sa mga produkto ng GCash kung saan maaari kang bumale ng mabilisan mula P100 hanggang P500. Wala rin itong karagdagang interest at maaari itong bayaran tuwing kinsenas at katapusan ng buwan na may maliit lamang na processing fee, mula P6.50 to P75, depende sa halaga ng hiniram.

Higit sa lahat, kapag ikaw ay eligible, walang kailangang papeles o requirements na kailangang i-submit para maka-avail ng GCash Sakto Loan.

Ano mang araw o paraan ang balak mong pag-commute, ito ang ilan sa mga paraang pwedeng bumale sa GCash Sakto Loan:

  • Kailangan bumili ng pamatid-uhaw at gutom

Pangunahing hamon sa mga commuter ay ang init dulot ng siksikan sa jeep o mahabang pila sa tren tuwing rush hour, at maging ng mahabang paglalakad. Inabot ka ba ng matinding uhaw at biglaang pagkagutom pero sakto lang ang pera mo para sa pamasahe, at wala kang mauutangan?

Sa ganitong sitwasyon, maari kang humiram sa GCash Sakto Loan para makabili ng tubig o tinapay sa pinakamalapit na tindahan o convenience store. Hindi mo na kailangan tiisin ang init dahil pwede kang makahiram ng instant cash sa halagang P100, P300 o P500.

  • Biglaang pagkakasakit dahil sa pagod at panahon

May mga pagkakataong hindi maiiwasang sumama ang pakiramdam dahil sa pagod at pabagu-bagong panahon. Napakahassle ng biglaang sakit ng ulo pag nasa labas ka ng bahay, lalo na kung wala kang dalang gamot at sakto lang ang budget mo.

Kahit sapat lang ang dala mong budget, kaya mo pa rin makabili ng mga over-the-counter na gamot para mapabuti ang pakiramdam mo. Sa GLoan Sakto, pwede kang bumale nang walang kasamang interest, at may mababang processing fee ng P6.5 to P75 depende sa halaga ng hihiramin.

  • Biglaang pang-grocery ng personal items

Uwing-uwi ka na para makapagpahinga pero bigla mong naalalang paubos na ang toothpaste at tissue paper? Gustuhin mo mang maghintay para sa susunod na grocery day para isang bilihan na lang, hindi maiiwasang dumaan sa grocery para sa kakailanganing toiletries bago umuwi.

Sakto man ang pera mo para sa’yong pamasahe, nariyan ang GLoan Sakto kung kailangan mong bumale para makabili ng kulang na gamit sa bahay. Hindi mo na kailangang ipag-alala kung kailan mabayaran dahil maaari kang pumili ng angkop na payment terms. Nababayaran ito sa loob ng 14 o 30 na araw at maaaring bumale pa ulit kung kinakailangan kapag nabayaran na ang GLoan Sakto.

Para bumale sa GLoan Sakto, buksan ang GCash app, i-tap ang “Borrow,” at gawin ang sumusunod:

  1. Tap GLoan, tapos ang “Get Started.”
     
  2. Piliin kung para saan ang loan at i-tap ang “Get this loan.”
     
  3. Siguraduhing tama ang personal information, at mag-agree sa Data Privacy Agreement at loan agreements.
     
  4. Siguraduhing tama ang halaga ng makukuha sa GCash at i-tap ang “Confirm.”
     
  5. Hintayin ang OTP mula sa GCash, ilagay ito sa app, at i-tap ang “Submit.” Makakakuha ang users ng mensahe mula sa GCash kung eligible sila para sa GLoan Sakto.

Hindi mo man mahuhulaan ang maaari mong maging sitwasyon sa buhay-commute, kaya mo pa rin gawing magaan at maginhawa ang iyong sitwasyon. Kung kailangan mong bumale, kaya today sa tulong ng GCash.

 

Maaaring ma-access ang GCash Sakto Loans sa GCash dashboard o kaya’y i-click ang “Borrow” button. Wala pang GCash? I-download na ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store, o Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo!


Editor's Note: This press release for GCash is not covered by Philstar.com's editorial guidelines.


 

GCASH

LOAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with