^

Bansa

8 oras na duty ng pulis ikinasa ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
8 oras na duty ng pulis ikinasa ng PNP
Members of the Quezon City Police District (QCPD) Bike Patrol roam around the Quezon Memorial Circle in Quezon City on June 21, 2024 as part of the QCPD's compliance to the recent directive of Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil to enhance patrol operations through increased police visibility for rapid response and a safer community.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang 8-oras na duty ng bawat pulis upang mabigyan ng sapat na oras ang pamilya.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, hindi dapat na 12 oras ang trabaho ng mga pulis na humahantong sa kawalan ng oras sa pamilya  at pagtulog sa mga police stations.

Ang pahayag ni Marbil ay kasabay ng idinaos na Pamilya ng Pulis Family Day sa  Camp Crame kahapon.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit niya inutos ang deployment ng 85 porsiyento ng 232,000 pulis sa lansangan sa halip na mga administrative work.

“We want to make sure na mas marami pong pulis sa ground pero ‘yung palitan eight hours lang so you can go home, spend time with your family,” ani Marbil.

Binigyang diin ni Marbil na kailangan din ng mga pulis na makasama ang kanilang pamilya kaya hindi ito ipagkakait ng PNP.

Sinabi naman ni Maj. Gen. Bernard Banac, Directorate for Police Community Relations (DPCR) director, na layon nilang gawin ang programa o Family Day quarterly.

“Yung mga regional offices ay magkakaroon din nito mula ngayong buwan na ito hanggang sa matapos ‘yung taon,” ani Banac.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with