MANILA, Philippines — Isang buwan na libreng toll fee ang alok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga motorista na dadaan sa Cavitex simula sa Hulyo.
Ginawa ng Pangulo ang anunsiyo sa groundbreaking ng Cavitex-Calax link at Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng pagbubukas ng Cavitex C5 link Sucat interchange.
Ito ay matapos irekomenda ng Philippine Reclamation Authority na nagsisilbing operator ng Cavitex na gawing libre ang paggamit sa kalsada.
Iiral ang toll holiday sa buong buwan ng Hulyo sa lahat ng klase ng sasakyan.
“This is especially so after receiving the good news that the PRA or the Philippine Reclamation Authority, as operator of the CAVITEX, proposed to suspend the collection of toll fees for all types of vehicles passing through the Manila-Cavite Toll Expressway in Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, and Kawit for thirty days. This will introduce our new roads, expressways to those who are in need of that transport system,” pahayag ni Pangulong Marcos sa groundbreaking ng Cavitex-Calax Link, Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng Cavitex C5 Link Sucat Interchange sa Parañaque City.
Ayon sa Pangulo, bunga ang proyekto ng Private-Public Partnership projects ng PRA, Cavitex Infrastructure Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation.
Tinataya naman na nasa 23,000 motorista ang makikinabang araw-araw sa bagong kalsada.