^

Bansa

Toll fee sa Cavitex libre buong Hulyo – Pangulong Marcosa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Toll fee sa Cavitex libre buong Hulyo â Pangulong Marcosa
inangunahan ni Pangulong Ferdinand Mar- cos Jr. ang inagurasyon ng Cavitex C5 Link Sucat Interchange at groundbreaking rites ng Cavitex-Calax Link at Cavitex C5 Link Segment 3B sa Parañaque City, kahapon. Kasama rito ng Pangulo sina Metro Pacific Investments Corp. Chairman Manuel V. Pangilinan at DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isang buwan na libreng toll fee ang alok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga moto­rista na dadaan sa Cavitex simula sa Hulyo.

Ginawa ng Pangulo ang anunsiyo sa groundbreaking ng Cavitex-Calax link at Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng pagbubukas ng Cavitex C5 link Sucat interchange.

Ito ay matapos irekomenda ng Philippine Reclamation Authority na nagsisilbing operator ng Cavitex na gawing libre ang paggamit sa kalsada.

Iiral ang toll holiday sa buong buwan ng Hulyo sa lahat ng klase ng sasakyan.

“This is especially so after receiving the good news that the PRA or the Philippine Reclamation Authority, as operator of the CAVITEX, proposed to suspend the collection of toll fees for all types of vehicles passing through the Manila-Cavite Toll Expressway in Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, and Kawit for thirty days. This will introduce our new roads, expressways to those who are in need of that transport system,” pahayag ni Pangulong Marcos sa groundbreaking ng Cavi­tex-Calax Link, Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng Cavitex C5 Link Sucat Interchange sa Parañaque City.

Ayon sa Pangulo, bunga ang proyekto ng Private-Public Partnership projects ng PRA, Cavitex Infrastructure Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation.

Tinataya naman na nasa 23,000 motorista ang makikinabang araw-araw sa bagong kalsada.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with