Mga baril na ninakaw, sinirang gamit bayaran!
AFP sa Chinese Coast Guard
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na pagbabayarin nila ang Chinese Coast Guard (CCG) sa ginawang pagnanakaw sa mga baril at pagsira sa kagamitan ng mga sundalong Pilipino habang kinukuyog.
Bagama’t hindi idinetalye ni Brawner ang sistema ng pagbabayad ng CCG, sinabi nito mananagot ang CCG sa karahasang ginawa nito sa mga rubber boat ng mga sundalo.
“We are demanding that the Chinese return our rifles and our equipment, and we are also demanding for them to pay [for] the damage that they have caused. They should pay because we will not allow them to just destroy and take our equipment,” ani Brawner.
Aniya, hindi sila papayag na balewalain ng CCG ang kanilang ginawang dahas at pang haharas sa mga sundalo nitong Miyerkules.
Nabatid na pitong baril na Carbine AR19 ang ninakaw ng CCG at sinira rin ang mga equipment at makina ng rubber boat at pagbutas sa mga ito.
Tinawag na rin ni Brawner na pirata ang mga CCG dahil sa insidente.
Wala pang katiyakan kung pananagutan ng China ang ginawa ng kanilang CCG lalo pa’t una nang sinabi ng Beijing na naunang nambangga ang Philippine Navy at gumanti lamang sila.
- Latest