Alice Guo sinopla si Gatchalian

MANILA, Philippines — “Kung sino ang nag-aakusa siya ang magpatunay!”

Ito ang naging sagot ni Mayor Alice Guo sa mga alegasyon ni Senador Win Gatchalian tungkol sa kanyang citizenship.

Ayon kay Guo, wala silang kinalaman sa mga dokumentong ipinakita ni Gatchalian na diumano ay galing sa Board of Investments at Bureau of Immigration.

Iginiit ni Guo na ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo na nakasaad sa kanyang birth certificate at hindi Guo Hua Ping na ibinibintang ni Gatchalian.

Mayroon aniya siyang Philippine passport na in-issue ng DFA upang patunayan na siya ay isang Pilipino. Mayroon din aniya siyang mga negosyo, personal properties, at lupa sa Pilipinas, at siya ay nagbabayad ng buwis dito.

Iginiit din ng kampo ni Guo na nananalo ito bilang Mayor ng Bamban, Tarlac, dahil siya ay isang lehitimong residente at walang dudang Pilipino. Dagdag pa niya, kung siya ay Chinese citizen, bakit pa niya kailangang kumuha ng Chinese visa tuwing bibisita siya sa China? Mahalagang tandaan na hindi kinikilala ng China ang dual citizenship.

Binigyang-diin din ni Guo na bagamat walang direktang probisyon sa batas na nagsasaad na ang isang tao ay awtomatikong mamamayan ng bansang kanyang tinitirhan, may mga mekanismo upang maiwasan ang statelessness.

Ang Constitution ng Pilipinas aniya ay mga batas nito ay nagbibigay-diin sa pagkakaroon ng nationality base sa jus sanguinis at iba pang mga probisyon para sa pagkilala sa pagka-Pilipino.

Welcome rin aniya sa kanya ang proceedings sa proper forum na nag-challenge ng kanyang citizenship at handa siyang harapin ito.

Show comments