^

Bansa

Security officer ng SC nasa ‘hot water’ sa pangha-harass, pagbabanta sa PWD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Takot ang naramdaman ng isang PWD o person with disability nang harasin at pagbantaan umano siyang hihilahin ng chief security ng Supreme Court nitong Martes ng umaga.

Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si alyas Jo sa loob mismo ng gusali ng SC.

Paglalahad ni Dizon, maayos siyang pumasok sa SC upang i-follow up sa 3rd Division ang isang petisyon sa kaso na kanilang hawak subalit paulit-ulit umanong sinasabi sa kanya na wala pang resolution sa kanilang inihain na transfer of venue.

Dahil dito, minabuti ni Dizon na magtungo sa opisina ng isang SC Justice at doon siya nilapitan at sinabihan umano ni alyas Jo na umalis na.

Sinabi ni Dizon na PWD siya at hindi maaaring mag­hagdan habang itinuro ng isang security ang elevator. Dito na siya umano muling sinabihan ni alyas Jo ng “pag hindi ka sumama sakin, hihilahin kita papuntang Security office”.

Sa puntong iyon, nangamba si Dizon na posibleng totohanin ni alyas Jo ang kanyang banta.

Wala naman umanong maisagot ang nasabing hepe nang tanungin ni Dizon kung may pagkakamali o may iligal siyang ginawa at hindi makatao ang trato nito sa kanya. Sa halip ay paulit-ulit lamang umano ang pagpapaalis sa kanya.

Maging ang kasamahang security ni alyas Jo ay nagulat sa umano’y inasal ng kanyang hepe.

Samantala, lumilitaw na ang petition for transfer of venue na inaasikaso ni Dizon ay Abril 1 pa naaprubahan.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with