China sa Pinas: POGOs ipagbawal na

Sa pahayag ng Chinese Embassy, nasa halos 3,000 Chinese citizens ang nasasangkot sa mga kriminalidad na may kinalaman sa POGOs kabilang ang telecom fraud simula pa noong 2018.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umapela ang Chinese Embassy sa Pilipinas na i-ban na ang Philip­pine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa dahil maraming mga Chinese nationals ang nahuhumaling sa gambling sa ibang bansa.

Sa pahayag ng Chinese Embassy, nasa halos 3,000 Chinese citizens ang nasasangkot sa mga kriminalidad na may kinalaman sa POGOs kabilang ang telecom fraud simula pa noong 2018.

“We appeal to the Philippines to ban POGO at an early date so as to root out this social ill’, anang embahada.

Ginawa ang apela sa gitna na ring ng serye ng mga raid sa mga POGO hubs kung saan
maraming Chinese nationals ang nasakote. Sinasabing dahilan sa pagkasilaw sa pera ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno ay nagpapatuloy ang operasyon nito sa Pilipinas.

Ang Offshore Gaming­ Operations ay ipinagbabawal sa China pero pinayagan naman ito sa Pilipinas kung saan ay nakakabahala na ayon sa Chinese Embassy na dito pa sa bansa kinukunsinti ang mga kasamaang may kinalaman sa nasabing online gaming operations.

Noong 2023 lamang, ayon pa sa China ay inasistehan nito ang Pilipinas sa pagpapasara sa limang POGO hubs at pinabalik sa kanilang bansa ang nasa 1,000 Chinese citizens.

“The vast majority of the Chinese citizens involved in these cases are victims of the Philippine offshore gambling industry. The Chinese government is committed to protecting the legitimate rights and interests of Chinese citizens,” sabi pa ng Chinese Embassy.

Show comments