Paghuhukay ng Vietnam sa South China Sea bantay sarado sa Philippine Navy
MANILA, Philippines — Todo bantay ang Philippine Navy sa ginagawang paghuhukay ng Vietnam sa South China Sea na sinasabing bahagi ng Kalayaan Island Group ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni PN spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad kung saan maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay kumikilos sa isyu.
“Nakatutok naman tayo doon [we’re monitoring that], but I believe the more appropriate agency to give the details of that would be DFA. May action naman ang DFA doon [the DFA is doing actions regarding that],” ani Trinidad.
Dati na aniyang nagsasagawa ng dredging operations sa mga bahura ang Vietnam sa South China Sea habang patuloy ang usapin ng Pilipinas at China sa nasabing teritoryo.
Sa katunayan, nasa 412 acres na ang sukat ng Barque Canada Reef kumpara sa dating sukat nito na 238 acres land area.
Patuloy din ang pagpapalawak at konstruksiyon sa Discovery Great Reef, Namyit Island at Pearson Reef.
Tinatayang nasa 692 acres o 280 ektarya na ang nare-reclaim ng Vietnam.
Sinabi ni Trinidad na sa pitong claimant countries, ang Vietnam ang may pinakamaraming nasakop sa South China Sea subalit hindi agresibo.
Ito’y dahil na rin sa friendly relations ng Pilipinas at Vietnam.
- Latest