^

Bansa

Pope Francis kay Zubiri: Protektahan pamilyang Pilipino

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pope Francis kay Zubiri: Protektahan pamilyang Pilipino
Bumisita sa Vatican at nakipagkita ang pamilya ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pope Francis noong Hunyo 5. Ilan lamang sila sa mga piling bisita na nabigyan ng pagkakataon na makilala at makatanggap ng personal na basbas mula sa Santo Papa.
STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Pinakiusapan ni Pope Francis si dating Senate President Juan Miguel Zubiri na protektahan ang pamilyang Pilipino sa gitna nang usapin sa diborsiyo.

“Pinakiusapan ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito,” ani Zubiri,

Bumisita sa Vatican at nakipagkita ang pamilya ni Zubiri kay Pope Francis noong Hunyo 5. Ilan lamang sila sa mga piling bisita na nabigyan ng pagkakataon na makilala at makatanggap ng personal na basbas mula sa Santo Papa.

Nakita ni Zubiri, na isang debotong Katoliko, ang Santo Papa noong lingguhang katekismo nito.

Bagaman at dati nang nasabi ni Zubiri na bukas siya sa diskusyon ng diborisyo, pero malakas aniya ang kanyang paniniwala sa kabanalan at katibayan ng kasal.

Ang Pilipinas ang huling bansa sa mundo na hindi kumikilala sa diborsyo. Isang panukalang magsasabatas ng diborsyo ang naaprubahan na ng Kamara.

Sa kanilang pagkikita, ipinaliwanag ni Zubiri sa Santo Papa na isa siyang pro-life at pro-family na mambabatas mula sa Pilipinas. Sagot ng Santo Papa, “please protect the family.”

“Napaka-special ni Lolo Kiko sa ating mga Pilipino, at na-feel ko na special din tayo sa kanyang puso, bilang isa sa mga pinaka-Katolikong bansa sa mundo,” sabi ni Zubiri.

vuukle comment

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with