Bangka ng Navy, binangga ng China Coast Guard
Maghahatid ng sundalong may sakit
MANILA, Philippines — Isa sa mga bangka ng China Coast Guard ang sinadyang banggain ang Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) na maghahatid ng isang maysakit na sundalo mula sa Ayungin Shoal, patungo sa Buliluyan Port, ayon kay PCG spokeperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
Sinabi ni Tarriela na isang ‘barbaric’ at ‘inhumane behavior’ ang ginawang pagharang at sadyang pagbangga ng isa sa mga inflatable boat ng CCG, habang nakaantabay ang iba pang CCG vessels sa medical evacuation ng PCG at PN noong Mayo 19.
Ang pangyayari ay naganap noon pang Mayo 19, na inirelease lamang ang video nitong Biyernes.
“Despite informing the Chinese Coast Guard via radio and public address system about the humanitarian nature of our mission for medical evacuation, they still engaged in dangerous maneuvers and even intentionally rammed the Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat,” ani Tarriela.
Gayunman, nagawa pa rin ng PCG at Phil Navy na malampasan ang ginawang aksyon ng CCG at tagumpay na nadala ang pasyente sa Buliluyan Port, pagsapit ng 3:15 ng hapon ng Mayo 19, ani Tarriela.
“Their actions clearly demonstrated their intention to prevent the sick personnel from receiving the proper medical attention he urgently needed,” paliwanag ni Tarriela.
Nitong Martes, sinabi naman ni Armed Forces chief General Romeo Brawner na unang nabigo ang unang pagtatangkang ihatid ang maysakit na sundalo sa Palawan matapos silang harangin ng mga Chinese at naisakatuparan kinabukasan sa tulog ng PCG.
- Latest