^

Bansa

Quezon City nanguna sa paglago ng kita, Marikina bagsak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Base sa DOF report

MANILA, Philippines — Nanguna sa lahat ng lungsod ang Quezon City pagdating sa tinatawag na “Annual Revenue Income (ARI) Growth” o taunang paglago ng kita ng lokal na pamahalaan noong 2023, ayon sa inilabas na bagong ulat ng Department of Finance Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF).

Sa report ng DOF-BLGF, ang QC ay may ARI na P27.41-B noong nakaraang taon, na sinundan ng Makati (P19.36-B), Taguig (P13.54-B), Pasig (P13.13-B), at Manila (P12.43-B).

Ang iba pang lungsod sa National Capital Region na nakakuha ng nine-figure o bilyonan na ARI ay ang Parañaque (P7.9-B) na pang-6, Pasay (P7.35-B) na pang-7, Mandaluyong (P5.76-B) na pang-8, Muntinlupa (P4.63-B) na pang-9, at Caloocan (P4.09-B) na pang-10.

Sa 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila, pang-14 sa koleksiyon ng kita ang Marikina (P1.58-B) at bahagya lang nitong nalamangan ang mga lungsod ng Malabon (P1.23-B) na pang-15, Navotas (P1.0-B) na pang-16, at Pateros (P0.2-B) na pang-17 at panghuli.

Nabigyang-diin sa ulat na kahit pinakakulelat ang Pateros sa larangan ng kita, naungusan naman nito ang lahat ng LGUs sa NCR sa paghataw sa kita noong nakaraang taon kung saan nakapagtala ang lungsod nang 65% revenue growth. Ang Marikina City ay ang siyang may pinakamabagal na revenue growth sa 7%.

Pagdating naman sa “ARI to Debt Ratio” o ang kita ng lokal na pamahalaan kumpara sa laki ng pagkakautang nito, nanguna naman dito ang Marikina sa 2.28 na malayong sinundan ng Manila sa 1.07. Ibig sabihin lang nito, maliit na nga kitang nakolekta ng Marikina ay mayroon pa itong malaking pagkakautang.

Ang iba pang siyudad na may above-average na “ARI to Debt Ratios” ay ang Navotas (.44), Valenzuela (.43), Malabon (.40), Caloocan (.36), at Mandaluyong (.29). Wala namang pagkakautang ang Las Piñas, Makati, Parañaque, Pasig, Pateros, at Quezon City.

Kapag mataas ang ARI to Debt Ratio ng isang LGU tulad ng Marikina, mas mahihirapan itong makapaglunsad ng mga bagong programa dahil ang kita nito ay nagiging pambayad-utang lang.

vuukle comment

DOF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with