^

Bansa

Bong Go umayuda sa mga miyembro ng TODA, kooperatiba sa Albay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na nagbigay ng tulong si Senador Christopher “Bong” Go sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Legazpi City at Daraga, Albay, gayundin sa mga miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa Bicol Region.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng patuloy na suporta ng gobyerno para sa mga Pilipino, partikular sa mga kabuhayan na naapektuhan ng iba’t ibang krisis.

Idinaos sa Albay Astrodome sa Legazpi City, pinuri ni Go ang pagsisikap ng mga lokal na opisyal na naroroon, sa pangunguna ni Gobernador Grex Lagman at Legazpi City Councilor Carol Ziga at iba pa, para tiyakin na ang kanilang mga nasasakupan ay matulungan.

Hinikayat sila ni Go na ipagpatuloy ang pagpaunlad sa Legazpi City at sa buong lalawigan ng Albay.

“Ako po’y nagpapasalamat sa inyo. Ako po’y hindi politiko. Magtatrabaho lang po ako para sa Pilipino sa abot ng aking makakaya. At kahit saang sulok kayo ng Pilipinas pupuntahan ko kayo basta kaya po ng ­aking katawan at panahon,” ani Go.

Si Go, at ang kanyang Malasakit Team ay namahagi sa mga miyembro ng TODA ng grocery packs, meryenda, bitamina, masks, kamiseta, bag, basketball, at volleyball.

At sa pagtutulungan nina Senator Go at Go­bernador Lagman, nasa 2,000 kwalipikadong mi­yembro ng TODA ang nakatanggap ng suportang pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.

Nakatanggap din ang mga miyembro ng koope­ratiba ng tulong mula kay Senator Go.

Ang mga miyembro ng 23 kooperatiba mula sa Bicol region ay naki­nabang sa ‘Malasakit sa Kooperatiba’ program ng Cooperative Development Authority na itinaguyod ni Senator Go.

TODA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with