^

Bansa

Pangulong Marcos: Pinas ‘di makikipag-giyera kahit may banta

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Pinas �di makikipag-giyera kahit may banta
Binisita kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tropa ng Philippine Army 10th Infantry Division sa Davao de Oro kung saan tiniyak niya na rito na hindi pa rin makikidigma ang Pilipinas sa kabila ng mga kinaharap na banta buhat sa labas ng bansa.
PCO

MANILA, Philippines — Hindi pa rin makikidigma ang Pilipinas sa kabila ng mga kinaharap na banta buhat sa labas ng bansa.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng tropa ng Philippine Army 10th Infantry Division na kanyang binisita kahapon Davao de Oro.

“Now, I am sure that all of you are aware now that the internal threat has been reduced. We now have to also think about the external threat and that again is a different strategy that we will have to employ,” sinabi pa ni Marcos.

Giit pa ng Pangulo, hindi tayo nakikipag-giyera kahit na kanino at wala naman tayong gustong ­pasukin kundi tayo ay defensive lang at dinedepensahan lang natin ang ating bansa.

“Kaya’t ‘yan ang ating bagong threat na hinaharap ngunit kagaya ng sabi ko, kung nagawa ninyo ito dahil sa internal threat, ako’y malakas ang loob ko na kaya rin ninyong gawin pagka-dumating sa tinatawag na external threat,” giit pa ng Presidente.

Siniguro rin ni Pangulong Marcos na ginagawa lahat ng pamahalaan at militar ang lahat para matiyak na may kapasidad ang lahat para magawa ang mandato ng bawat isa at mai-promote ang kaligtasan at seguridad ng teritoryo ng Pilipinas laban sa anumang banta.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na maging tagapamayapa sa pamamagitan ng paghikayat sa mga komunista na magbalik-loob sa batas.

 

vuukle comment

CHINA

WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with