Ayon sa 76% Pinoy
MANILA, Philippines — Tatlo sa bawat apat na Pinoy ang naniniwala na “greatest threat” o matinding banta sa Pilipinas ang China.
Ito ay batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na ginawa noong Marso 2024 kung saan lumabas na 76 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na banta ang China sa Pilipinas.
Pero bahagyang mas mababa ito kung ikukumpara sa 79% noong Disyembre 2023.
Nasa ikalawang puwesto naman ang Russia na may 9%, sumunod ang North Korea, Pakistan, Japan at Saudi Arabia na may tig-2 hanggang 1 percent.
Nasa 5 percent naman ang naniniwala na walang bansa ang mananakit sa Pilipinas.
Sa survey na mayorya sa mga bumoto na China ang banta sa Pilipinas ay mga residente sa National Capital Region (NCR), 86%; Balanced Luzon, 77%; Visayas, 73%, at Mindanao, 71%.
Ginawa ang survey sa 1, 200 respondents.