Anti-Discrimination bill mas may tiyansa kaysa sa SOGIE - Escudero
MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate President Francis “Chiz” Escudero na mas malaki ang tsansa na maaprubahan ng Senado ang anti-discrimination bill kaysa sa panukalang Sexual Orientation, Gender Identity or Expression, or Sex Characteristics (SOGIESC) bill.
Muling isinulong ng pagpasa ng panukala kabilang ng ng United Nations Population Fund para sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.
“Sa pagkakaalam ko may mga panukalang amendment dito sa bill na ito bago ito tuluyang maipasa,” ani Escudero.
Idinagdag ni Escudero na bago pa man siya naging lider ng Senado ay mas malaki na ang tiyansa na pumasa ang anti-discrimination bill kumpara sa SOGIESC bill unless na ang mga amendments ay mapagbibigyan, dagdag ni Escudero.
Ipinunto ni Escudero na iba ang SOGIESC bill sa isa pang anti-discrimination measure na itinutulak sa Kongreso.
“Maliban kung ang mga nagsusulong ng SOGIE bill ay sumang-ayon sa ilang mga susog, ito ay patuloy na haharap sa magaspang na paglalayag sa Senado,” dagdag ni Escudero.
Kabilang si Escudero sa 18 senador na lumagda sa report tungkol sa SOGIESC bill na inihanda ng Senate committees on women, and finance noong December 2022.
Nananatiling nakabinbin ang panukalang batas sa Senate committee on rules.
Kaugnay nito, nagpahayag si Sen. Risa Hontiveros, chair ng committee on women, na gagawa ng aksiyon ang bagong liderato ng Senado kaugnay sa panukala.
“Sana ang bagong liderato ng Senado ay tumindig para sa ating LGBTQIA+ community ngayong Pride Month at pati na rin sa araw-araw nilang pamumuhay bilang mga tao,” dagdag ni Hontiveros.
- Latest