MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dadalo sa Peace Summit sa Switzerland sa Hunyo 15-16, 2024.
Dahil dito kaya personal na pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy si Pangulong Marcos, matapos siyang magtungo sa Malakanyang kahapon dahi sa commitment ng Pilipinas.
Si Zelenskyy ay nakasuot ng itim na polo at fatigue pants nang makipagpulong kay Marcos at tahimik na dumating sa bansa nitong Linggo ng gabi.
Nagpulong sa Malakanyang ang dalawang lider nitong Lunes ng umaga, Hunyo 3.
“Thank you for your participation in the summit, it sends a strong signal,” pahayag ni Zelenskyy kay Marcos.
Gayunman, hindi naman mabatid kung dadalo si Pangulong Marcos o magpapadala ng kinatawan sa Swtizerland.