^

Bansa

Mga magulang ni Mayor Guo, tumakas na - Gatchalian

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga magulang ni Mayor Guo, tumakas na - Gatchalian
Bamban Mayor Alice Guo attends a Senate hearing on alleged human trafficking and POGO operations on May 22.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nakalabas na ng bansa ang hinihinalang ina ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at maging ang sinasabing ama nito na si Guo Jang Jong, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Dahil dito, sinabi ni Gatchalian na malabo nang mangyari ang kanyang hamon kay Mayor Guo na sumailalim sa DNA test at ang hinihinalang ina nito na si Lin Wen Yi dahil wala na ito sa Pilipinas.

“Malabo na rin ngayon, sa ngayon dahil nagtanong kami sa Bureau of Immigration si Lin Wen Yi at si Guo Jang Jong wala na pala sa Pilipinas, bumiyahe na sila sa ibang bansa so hindi na natin sila makikita dito,” ani Gatchalian sa panayam sa DZBB.

Ang sinasabing mga magulang ni Mayor Guo ay parehong Chinese kaya anumang oras ay puwede silang bumalik sa kanilang bansa at hindi na muling magpakita sa Pilipinas.

Base anya sa records ay lumalabas ng Pilipinas ang mga sinasabing mga magulang ni Guo isang beses sa isang buwan.

“Kaya sa kasamaang palad, dahil nga madali lang lumipad at madalas silang lumipad at nakita namin yung flight records talagang halos isang beses isang buwan umaalis sila kaya talagang hindi malayo yun. Pero sa ngayon wala na si Lin Wen Yi sa bansa kaya mahihirapan tayong pa-DNA sila,” sabi ni Gatchalian.

Matatandaan na sa pag­harap ni Guo sa Senado, pinanindigan nito na isang Filipina ang kanyang ina na nagngangalang Amelia Leal na dati umanong katulong ng kanyang ama.

Pero ayon kay Gatcha­lian, maaaring patunayan ng mga residente ng Valenzuela na si Lin Wen Yi ang tinukoy bilang ina ng alkalde nang ang pamilya Guo ay nakatira pa sa lungsod.

Ayon pa kay Gatchalian na kung mapapatunayan na parehong Chinese nationals ang mga magulang ni Guo ay wala itong karapatan na tumakbo at manungkulan sa anumang elective position sa gobyerno.

Samantala, lumantad ang dating consultant ni Mayor Alice Guo upang ipagtanggol ang kanyang dating kliyente laban sa mga personal na pag-atake sa alkalde.

Ayon ay Nancy Gamo, ang mga atake ay lumalabag na sa karapatan ng alkalde bilang isang indibidwal at isang halal ng taong bayan. Si Gamo, isang accountant, ay personal na nakilala si Mayor Guo simula 2012.

Ani Gamo, hindi siya naging empleyado o full-time na accountant ni Mayor Guo bagkus ay tumulong siya sa iba’t ibang aspeto ng negosyo at personal na buhay ng mayor kabilang na dito ang pagiging corporate housekeeping at pagsasa-ayos ng mga records; pagsasagawa ng due diligence sa pagbili ng lupa at pagpoproseso ng eCAR; paggawa ng mga dokumento noong Disyembre 2015 tulad ng MOA, Deed of Transfer, at Assignment of Shares para sa pagbenta ng shares ng pamilya Guo.

Gayundin ang pagtulong sa mga tauhan ni Guo sa opisina sa paggawa ng sagot sa mga sulat mula sa LGU at iba pang ahensya ng gobyerno at pagbibigay ng payo sa mga isyu sa farm at iba pang usaping accounting at realty.

Bagamat hindi pormal na nakapag-aral, naturuan naman umano ni Teacher Rubylin si Guo at mabilis siyang matuto at magaling na negosyante mula sa murang edad.

Nakilala rin ni Gamo si Lin Wen Yi, na ipinakilala bilang partner ng tatay ni Mayor Alice. Ipinaliwanag ni Gamo na hindi si Lin Wen Yi ang tunay na ina ni Mayor Alice at hindi na dapat kaladkarin pa ang ibang tao sa usapin ng DNA test.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with