Pangulong Marcos binati si VP Sara sa kanyang kaarawan

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. leads the distribution of presidential assistance to farmers, fisherfolk, and families at Barangay Tubig-Mampallam in Municipality of Bongao, Tawi-Tawi on May 23, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Binati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte sa kaarawan ng huli.

Sa Facebook post ni Pangulong Marcos, naging maiksi subalit makabuluhan ang pagbati niya kay VP Duterte.

“Happy birthday, Inday Sara! Pinalalakas ng ‘yong sipag at pagmamahal sa bayan ang ating mga kabataan at kaguruan,”  pahayag ng Pangulo.

Nagdiwang si Duterte ng kanyang ika-46 kaarawan kahapon, Mayo 31.

“Ipagpatuloy lang natin ito para sa isang matatag na edukasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas!” dagdag pa ng Pangulo.

Maging ang Presidential Communications Office (PCO) ay nagpaabot din ng pagbati kay Duterte.

“Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan at tagumpay sa paparating na mga taon. Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong paglilingkod sa bayan, lalo na sa mga mag-aaral at gurong Filipino,”  saad pa ng PCO.

Show comments