^

Bansa

'Aghon' nag-iwan ng P21.65-M halaga ng pinsala sa agrikultura — NDRRMC

James Relativo - Philstar.com
'Aghon' nag-iwan ng P21.65-M halaga ng pinsala sa agrikultura — NDRRMC
Lagay ng Patnanungan, Quezon dahil sa pananalasa ng Typhoon Aghon
Released/Provincial Government of Quezon

MANILA, Philippines — Milyun-milyong halaga ng pinsala na ang naitatala sa sektor ng agrikultura matapos makalabas ng Philippine area of responsibility ang Typhoon Aghon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pumalo na kasi sa P21,651,548 ang production loss o cost of damage sa CALABARZON dulot ng bagyo, bagay na nakaapekto na sa 369 magsasaka at mangingisda.

Apektado tuloy sa ngayon ang sumusunod na sakahan, sabi ng pinakahuling tala ng NDRRMC ngayong Huwebes:

  • walang pag-asang makaahon: 191.1 ektarya
  • may tiyansang makaahon: 100.9 ektarya

Bukod pa rito, nakapagtala na ng P448,300 halagang pinsala sa livestock, poultry at mga palaisdaan.

Umabot naman na sa 22 kabahayan ang napinsala ng bagyo sa ngayon sa Eastern Visayas. 18 dito ay bahagyang pagkapinsala habang apaat dito ay sirang-sira na.

Wala pa namang datos ang konseho patungkol sa halaga ng pinsalang naitamo sa mga imprastruktura.

Ilang insidente ng pag-apaw ng mga ilog, pagbaha, buhawi, pagbagsak ng puno at pagguho ng lupa na ang naitatala sa mga sumusunod na lugar bunsod ng bagyo:

  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • CALABARZON 
  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Eastern Visayas

Patay dumarami

Dahil sa hagupit ng naturang bagyo, umabot na sa 51,858 katao ang nasalanta ng bagyo, ayon sa NDRRMC. Kabilang na rito ang:

  • patay: 6
  • sugatan: 8
  • lumikas: 21,225
  • nasa loob ng evacuation centers: 14,816
  • nasa labas ng evacuation centers: 6,409

Ang mga namatay ay sinasabing nagmula sa probinsya ng Quezon at Misamis Oriental. Ang ilan sa kanila ay nalunod o labis na sugatan matapos mahulugan ng puno. 

Gayunpaman, una nang iniulat ng Philippine National Police (PNP) sa Agence France-Presse na umabot na ito sa pito.

Nakapag-abot naman na ng mahigit P6.76 milyong halaga ng ayuda sa mga nasalantang residente ng CALABARZON, MIMAROPA, Bikol at Central Visayas sa porma ng family food packs, hygiene kits, atbp.

AGRICULTURE

CALABARZON

DAMAGE

MISAMIS ORIENTAL

NDRRMC

QUEZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with