MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong patakaran ng China na hulihin ang sinuman na trespassers sa bahagi ng karagatan ng South China Sea.
Sa Kapihan with the media sa Brunei, sinabi ng Pangulo na pinapalala ng China ang tensyon sa SCS dahil sa bagong inilabas na patakaran.
Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na wala namang bago sa ginagawa ng China subalit ang polisiya na may pagbabanta na ikukulong ang mga Filipino na mahuhuling trespassers ay magpapalala lang sa sitwasyon at nakakabahala.
“There’s an extension again on their claim that this is all the maritime territory of China so it’s just, it’s nothing new. There are sometimes there are fishing bans because they are because of the season and it’s something that has happened before. But the new policy of threatening to detain our own citizens, that is different. That is an escalation of the situation. It is very worrisome,” ayon pa kay Marcos.
Paliwanag naman ng Pangulo na may ginagawang back channel na pag-uusap para pakalmahin ang sitwasyon.
Subalit giit ng Presidente kailangang mahinto ang pagiging agresibo ng China tulad ng water cannoning, lasers, barrier putting at ang pagharang sa mga mangingisdang Pinoy.