La Niña papasok sa Hulyo - PAGASA

Pedestrians use umbrellas and other items to shield themselves from the sudden downpour in Quezon City on May 25, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inaasahan na papasok sa bansa ang panahon ng La Niña Phenomenon sa 3rd quarter ng taong ito o simula sa Hulyo.

Sinabi ni Weather Specialist Joey Figuracion na bagamat may epekto pa rin ang El Niño sa ngayon dahil may panahon na maalinsa­ngan pa rin ay kailangan nang paghandaan ang pagpasok ng La Niña.

Ang La Nina pheno­menon ay ang mas mara­ming ulan kaysa sa normal na rainy season at ang mga papasok na bagyo ay maraming magaganap na landfall.

Hindi pa naman anya pormal na maideklara ng PAGASA na tag-ulan na sa panahon na pumasok ang bagyong Aghon dahil ang pagdedeklara ng tag-ulan ay mula lamang sa west side ng bansa. Ang Eastern Side anya ng bansa ay nakakaranas na ng pag-ulan.

Sa ngayon din anya ay wala pang namamataang bagong bagyo na papasok sa bansa.

Show comments