Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, bagong pag-asa sa mga magsasaka
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pag-asa ang mga magsasaka matapos na ratipikahan ng Kongreso at Senado ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act noong Miyerkules, Mayo 22 na layong mapangalagaan ang estado mula sa mga economic saboteurs at maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka.
Bilang principal sponsor sa Anti- Agricultural Economic Sabotage Act, sinabi ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, na sa pagratipika ng dalawang kapulungan ng Kongreso, tanging lagda na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kailangan upang matapos na ang pananamantala ng mga smugglers, hoarders, cartel at profitters,” wika ni Briones.
Nabatid kay Briones na sa ilalim ng nasabing bill, inaalis na sa enforcement ang Bureau of Customs dahil may mga probisyon ito na pabor sa mga smuggler, hoarder, profiteer, at cartel kung saan ang customs ang nangunguna sa nasabing batas.
Tanging ang Philipppine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) ang manghuhuli sa mga smugglers, cartels at profiteers.
Mas makabubuti aniyang pagtuunan na lamang ng BOC ang pagpapataas ng koleksyon upang tuluy-tuloy ang ayuda ng pamahalaan sa mga nangangailangan.
Dagdag pa ni Briones, lifetime imprisonment ang parusa, 3x ang multa at nonbailable offense ang smuggling at profiteering habang may rewards sa tipster o whistleblower mula P1-M hanggang P20-M o 20% ng mahuhuli.
- Latest