^

Bansa

Typhoon Aghon palabas na ng PAR sa ika-29 ng Mayo

James Relativo - Philstar.com
Typhoon Aghon palabas na ng PAR sa ika-29 ng Mayo
Namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo 315 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan 4 a.m. ngayong Martes.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang bagyong "Aghon" habang patuloy na kumikilos pahilagangsilangan palayo ng Luzon. Wala na ring Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) na nakataas sa ngayon.

Namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo 315 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan 4 a.m. ngayong Martes.

  • Lakas ng hangin: 130 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 160 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilagangsilangan

"On the track forecast, Typhoon AGHON will move generally northeastward over the Philippine Sea for the entirety of the forecast period and exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) on Wednesday afternoon or evening," wika ng PAGASA.

"AGHON will likely maintain its strength until tomorrow before entering a period of weakening on Wednesday as it begins to interact with the mid-latitude environment and undergo post-tropical transition. However, an earlier weakening trend is not ruled out."

Dahil sa pahgkakatanggal ng Signal no. 1, lumiliit ang tiyansa ng negatibong epekto ng severe winds dulot ng "Aghon" sa nalalabing forecast period.

Bumaba na rin ang posibilidad ng matinding pag-ulan sas susunod na tatlong araw sa ngayon.

Gayunpaman, magdadala pa rin ang Southwesterly Windflow ng malalakas na hangin sa Western Visayas at kanlurang bahagi Central at Southern Luzon sa susunod na tatlong araw.

Bagama't wala nang Gale Warning sa mga baybaying dagat, magdadala pa rin ang Typhoon Aghon ng moderate to rough seas (1 meter to 4 meters) sa:

  • coastal waters ng Cagayan (eastern coast)
  • Isabela
  • hilagang Aurora
  • hilagang coastal waters ng Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes

"Mariners of motorbancas and similarly-sized vessels are advised to take precautionary measures while venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions, especially if inexperienced or operating ill-equipped vessels," dagdag pa ng PAGASA.

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with