PNP, GCash nagbabala vs cyber threats sa public Wi-Fi

Photo shows of log in to Gcash account.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) at e-wallet na GCash ang publiko sa pagkonek o paggamit ng free wifi sa  pampublikong lugar na maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng cyber threats.

Ayon kay PNP-ACG Director PBGen. Ronnie Francis Cariaga, ang mga free wifi hotspot na ito ay makikita sa mga hotel room, coffee shop, airport, at iba pang pampublikong lugar.

Ani Cariaga, na bagaman nabibigyan ng mas malayang access at libreng koneksyon ang publiko, mahalaga pa ring kilalanin na ang mga unsecured connection ay maaaring magdulot ng cyber threats at iba pang kumplikasyon.

Ang mga ito ay maa­aring maging sanhi ng iba’t ibang cyber threats katulad ng hacking, remote access, at account takeovers.

Sinabi ng PNP-ACG,  hindi aniya lahat ng mga free wifi ay safe.

Kasabay nito, nagpahayag ang GCash ng pagkabahala na maaaring maging target ng cyber threats ang mga account at user dahil sa pagkonekta sa mga pampubliko at hindi ligtas na wifi.

“Public and open Wi-Fi networks are risky because they often lack strong encryption, allowing cybercriminals to intercept data or distribute malware, and they may feature fake hotspots set up to steal information,” sabi ni GCash Chief Information Security Officer Miguel Geronilla.

Isa sa mga ibinigay na halimbawa ni Cariaga ay ang Man-In-The-Middle (MTM) attacks na maa­aring umatake kapag naka-connect ang isang device sa public wifi network.

“An attacker can intercept the communication flow between your devices and web browsers, potentially stealing sensitive information and even hijacking your device,” paliwanag niya.

Dahil rito, pinapayuhan ng GCash at PNP-ACG ang publiko na mas maging maingat at umiwas sa paggamit ng public wifi at gumamit na lamang ng ligtas na mobile networks, lalo na kapag nasa biyahe o nasa pampublikong lugar.

Show comments