Vice President Sara: ‘Namanhid na ‘ko simula pa last year’

MANILA, Philippines — ‘Manhid’ na umano si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte simula pa noong nakaraang taon.

Sa ‘At The Moment with Imee’, sinabi ni Duterte kay Senator Imee Marcos na wala na siyang pakiramdam at manhid na siya.

“Manhid ka na eh babaeng bato ano ba ‘yan wala ng feelings,” ayon naman kay Marcos.

Tinugon naman ito ni VP Sara nang, “Namanhid na ako simula last year.”

Nang tanungin naman ng senadora ang bise presidente kung ano ang nangyari sa kanya upang maging manhid at walang pakiramdam, tinugon niya ito ng tawa.

Dagdag pa niya, bukas naman sa publiko ang kanyang buhay at maaari nilang balikan ang mga kaganapan sa kanya.

“Public naman ‘yung buhay ko eh balikan nyo lang ‘yung mga pangyayari,” aniya pa.

Nilinaw pa ni Duterte na hindi naman ‘namatay’ ang kanyang pakiramdam o feelings, kundi ‘pinatay’ ito.

Show comments